-- Advertisements --

Ikinalungkot ni British Prime Minister Boris Johnson ang malagim na balita tungkol sa 39 na bangkay na natagpuan sa loob ng container truck sa England.

Nangako rin si Johnson na gagawin nito ang lahat ng kaniyang makakaya upang siguraduhin na mahuhuli ang utak sa likod ng krimen.

Lumitaw din ang ilang ispekulasyon mula sa mga mambabatas na may koneksyon sa human trafficking ang pagpatay sa 39 katao ngunit hindi naman ito kinumpirma ng mga pulis.

Gamit naman ang kaniyang Twitter account ay nagpahatid din ng pakikiramay si Jackie Doyle-Price, miyembro ng Parliament for Thurrock.

Kinumpirma rin ni Richard Burnett, chief executive ng Road Haulage Association, ang freezing temperature umano ng refrigerated container ang isa rin sa umano’y dahilan kung bakit namatay ang mga tao sa loob nito.