-- Advertisements --

Naniniwala na ngayon ang British police na pawang mga Vietnamese nationals ang natuklasang 39 na bangkay sa isang container truck sa England ay pawang mga Vietnamese nationals.

Ito’y taliwas sa unang napaulat na nanggaling umano sa China ang mga biktimang nadiskubre malapit sa port of Purfleet.

Ayon kay Essex Police Assistant Chief Constable Tim Smith, kasalukuyan na raw silang nakikipag-ugnayan sa Vietnamese government ukol sa isyu.

Natunton na rin aniya ng mga pulis ang mga kamag-anak ng ilan sa mga namatay.

Bago ito, nadampot ng mga pulis sa Vietnam ang dalawang indibidwal na hinihinalang nag-oorganisa ng people-smuggling operation kasunod ng report mula sa 10 pamilya na nawawala ang kanilang mga mahal sa buhay.

Sinabi ng Ha Tinh provincial police, direkta umanong may kinalaman ang mga suspek sa kaso kung saan binabayaran ang mga smugglers para maipuslit ang mga ito sa England.

Saad pa ng pulisya, sangkot daw sa people smuggling ang mga suspek sa loob ng ilang taon. (AP)