DAVAO CITY – Kinumpirma nang pamunuan ng Southern Philippines Medical center (SPMC) na higit 30 mga empleyado nila ang nahawa ng COVID-19 kahit na fully vasccinates na ang mga ito.
Ayon kay SPMC medical center chief Dr. Ricardo Audan, nasa 39 sa kanilang mga emoleyado ang nahawa kung saan sa nasabing bilang 38 nito ang mga fully vaccinated habang ang isa ay nakatanggap pa lamang ng first dose.
Karamihan sa mga nahawa id 19 ang mga nurses, doktor at mga medical staff.
Bagaman sinabi ng opisyal na pareho lamang na nakaranas ng mild symptoms ang mga ito.
Base sa record ng SPMC, ang 35 mga empleyado ay nabakunahan ng Sinovac vaccine, dalawa ang Astrazeneca at isa ang nabakunahan ng Pfizer vaccine.
Una ng kinumpirma ni Dr. Audan na 100% sa mga empleyado ng SPMC ang nabakunahan laban sa COVID-19.
Mula noong Marso 25, 2020 nasa 857 na mga personahe sa SPMC ang nahawa ng COVID-19 habang lima naman ang namatay.