Nasa 39 na partylist organization ngayon ang ikinokonsidera ng Commission on Elections (Comelec) na tanggalin bago pa ang May 9, 2022 National at Local Elections.
Sinabi ng Comelec na sa ilalim ng Section 2, Rule 3 ng Resolution No. 9366, ng Republic Act No. 7941 o “Party-List System Act,” otorisado ang Komisyon na magtanggal o magkansela ng registratoin ng isang partylist group.
Ito ay kung bigong lumahok ang naturang partylist group sa nakalipas na dalawang halalan o kabiguan na makakuha ng dalawang porsiyentong boto sa ilalim ng party-list system sa nagdaang dalawang halalan.
Kabilang sa mga napasama sa listahan ng Comelec na posibleng matanggalan na ng registration o maalis sa listahan ng mga partylist groups
na sasabak sa 2022 elections dahil sa hindi pagsali sa nakalipas na dalawang eleksyon ay ang mga sumusunod:
1. ADING – Advance Community Development in New Generation
2. 1-AAMOVER – 1-A Action Moral & Values Recovery Reform of the Phils., Inc
3. ANG PAMILYA -Una Ang Pamilya
4. AG – Ang Galing Pinoy
5. ALAGAD – Alagad Party-List
6. ANAD – Alliance For Nationalism and Democracy
7. KAKUSA – Kapatiran ng mga Nakulong na Walang Sala, Inc.
8. KALIKASAN PARTY-LIST – Kalikasan Partylist
9. 1-AANI – Usa An Aton Nahigugma Nga Iroy Nga Tuna
Samantala, kabilang naman sa mga partylist groups na maaring maalis na sa listahan ng Komisyon dahil sa kabiguan na makakuha ng dalawang porsiyento ng boto at bigong makakuha ng puwesto sa Kongreso ay ang mga sumusunod:
1. ALAY BUHAY – Alay Buhay Community Development Foundation, Inc.
2. ATING KOOP – Adhikaing Tinataguyod ng Kooperatiba
3. AVE – Alliance of Volunteer Educators
4. ABAKADA – abakada Guro
5. BANAT – Barangay Natin
6. ABAMIN -Abante Mindanao, Inc
7. APPEND – Append, Inc
8. ANG NARS – Ang Nars, Inc
9. TAO MUNA – Ang Tao Muna at Bayan
10. AKO AN BISAYA – Ako An Bisaya
11. ANUPA – Alliance of National Urban Poor Organizations Assembly, Inc
12. CONSLA – Confederation of Non-Stock Savings and Loan Association, Inc
13. ASEAN – Academicians, Students and Educators Alliance, Inc
14. AMEPA OFW – Amepa OFW Access Center, Inc
15. FICTAP – Federation of International TV and Telecommunications Associations of the Philippines
16. GLOBAL – Global Workers and Family Federation, Inc
17. KMM – Kaisahan ng mga Maliliit na Magsasaka
18. METRO – Movement for Economic Transformation and Righteous Opportunities
19. PM – Partido Manggagawa
20. SAMAKO – Sandigan ng mga Manggagawa sa Konstruksyon
21. SINAG – Sinag Tungo sa Kaunlaran
22. ITO ANG TAMA – Tanggol Maralita, Inc
23. TINDERONG PINOY – Tinderong Pinoy, Inc
24. TRICAP – Tribal Communities Association of the Philippines
25. UNIDO – Union of Nationalist Democratic Filipino Organization
26. ALL-FISH – Alliance of Philippine Fishing Federations Inc.
27. AWAKE – Awareness of Keepers of the Environment, Inc
28. KAMAIS – Kamais Pilipinas ( Kapatirang Magmamais ng Pilipinas, Inc )
29. PBB – Partido ng Bayan ang Bida
30. 1-AHAPO – One Bagong Ahapo ng Pilipinas Party-list
Nilinaw namn ni Comelec Spokesman James Jimenez na hindi na maaring i-apela ng mga partylist groups na napasama sa listahan ang pagkakatanggal nila rito.
Ayon kay Jimenez, basta’t pasok sa requirements para sa delisting ang isang partylist group, agad itong matatanggal sa listahan.
Bagamat ang lengwaheng ginamit sa kautusan ng Comelec ay ikinokonsidera palang na maalis sa kanilang listahan ang nasabing mga partylist group, sinabi ni Jimenez na ang publication nito ay pormalidad nalang dahil tanggal na talaga ang mga ito sa official list ng mga partylist groups na kuwalipikadong sumabak sa susunod na eleksyon.