-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Negatibo sa COVID-19 ang nasa 36 nurses ng Bureau of Fire Protection (BFP) Bicol na ipinadala sa Philippine Arena sa Bulacan upang magsilbing swabbers.

Sa pahayag ni BFP Bicol Regional Director FSSupt Renato Capuz sa Bombo Radyo Legazpi, nagbigay ang mga ito ng 10 araw na duty at limang araw na quarantine.

Ayon kay Capuz, handa na ang mga ito na bumalik sa rehiyon.

Malaking tulong aniya ang mga ito sa nasabing pasilidad kaya nagpapasalamat ang opisyal sa ibinigay na serbisyo ng mga ito.

Pagpapakita aniya ang hakbang ng kahandaan ng BFP sa pagbibigay ng tulong sa gitna ng pandemic.

Maliban sa naturang hakbang, tutok din ang BFP sa decontamination at disinfection sa mga sasakyang ginagamit sa pagsunod ng mga probable, suspects at positive cases ng COVID-19.