-- Advertisements --
LUKA DONCIC
Luka Doncic

Naging susi ang buzzer-beater 3-pointer ni Luka Doncic para maitabla ng Dallas Mavericks sa 2-2 ang best of seven first round ng Western Conference playoffs nila ng Los Angeles Clippers 135-133 sa overtime.

Nakapagtala ng kabuuang 43 points, 17 rebounds, 13 assist si Doncic.

Bagamat nanggaling lamang sa sprained ankle injury ang 21-anyos na si Doncic noong Game 3 ay agad itong bumawi matapos na ang isa nilang kasamahan na si Kristaps Prozingis ay hindi nakapaglaro dahil sa knee injury.

Mula sa first half ay hawak ng Clippers ang kalamangan, 54-33 hanggang nahabol ito ng Mavs sa 4th quarter.

Naitabla ng Clippers sa 121-all ang score sa pagpasok ng dalawang free throws ni Lou Williams.

Pagsapit ng overtime ay lamang ang Mavs, 132-130 kung saan naipasok naman ni Marcus Morris ang 3 point na nagdala sa Clippers ng isang puntos na abanse sa loob ng 9.6 seconds hanggang sa naipasok ni Doncic ang huling shot nito sa natitirang 3.7 seconds.

Nasayang naman ang nagawang 36 points ni Lou Williams habang 32 points naman kay Kawhi Leonard ng Clippers.