Maglalaro na sa Golden State Warriors si 3-point specialist Buddy Hield.
Nagkasunod ang Warriors at ang kasalukuyang team ni Hield na Philadelphia 76ers sa isang sign and trade deal na kinapapalooban ng milti-year deal at may kalakip na dalawang taong guaranteed, kasama ang $21 million.
Sa ilalim ng kanyang magiging kontrata, tatanggap si Hield ng $18 million sa unang dalawang taon niya sa Warriors habang mayroong $3 million partial guarantee sa kanyang ikatlong taon sa Warriors, kasama ang player option sa ika-apat na taon.
Kapalit nito ay ang 2031 second round pick .
Si Hield ay isa sa mga episyenteng sharpshooter sa NBA, hawak ang career 3-pt shooting percentage na 40% sa loob lang ng 7.6 attempts per game.
Dati na itong naglaro sa Pelicans, Kings, Pacers, at sa kasalukuyan ay sa Sixers. Siya ay dating 6th overall pick noong 2016 NBA draft.
Dahil sa naturang trade, magkasama na sina 3-point king Stephen Curry at Buddy Hield, ang dalawang player na nanguna sa buong NBA sa nakalipas na limang season na may pinakamaraming nagawang tres.
Si Hield ang inasahang papalit kay Klay Thompson, ang kalahati ng sikat na ‘Splash Borthers’ ng Golden State Warriors na kumamada ng apat na championship ring sa nakalipas na sampung taon.