Pormal na nagsimula kahapon ang pagsasanay sa ikatlong batch ng Ready to Rebuild (R2R) program.
Ayon kay Office of the Civil Defense (OCD) Administrator USec Ricardo Jalad, ang 10 araw na pagsasanay ay nilahukan ng mga Mayor at technical staff, DRRM officers, budget officers, engineers at iba pang mga local executives, sa layong lumikha ng plano sa pagbangon mula sa mga sakuna ng kani-kanilang mga lokalidad.
Ang aktibidad ay pagkakataon para matuto ang mga kalahok mula sa mga eksperto at mag-share ng mga best practices sa Disaster preparedness at resiliency.
Ang Ready to Rebuild: Disaster Rehabilitation and Recovery Program ay bagong inisyatibo ng NDRRMC, OCD, at World Bank para sa mga lokal na pamahalaan.
Binigyang-diin ni Undersecretary Jalad na bagamat pamilyar ang mga kalahok sa kaalaman sa mga karaniwang pagsasanay na nakatuon sa paghahanda sa sakuna na pinangunahan ng Office of Civil Defense (OCD) at National Disaster Risk Reduction and Management (NDRRMC), tutulungan sila ng programang R2R na talakayin ang kahandaan sa isang bagong pananaw.