-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Umarangkada na ang 3rd batch ng Special Project of Employment for Students (SPES) ng provincial government ng Cotabato.

Ito ay matapos na isagawang orientation at contract signing para sa 76 anim na mga estudyante at out of school youth sa Capitol Gym, Amas, Kidapawan City.

Ang 3rd batch benefeciaries ng programang ito ay nagmula sa mga barangay na kabahagi ng End Local Communist Armed Conflict ( ELCAC) program ng pamahalaan.

Espesyal na pinili ni Cotabato Governor Nancy Catamco na ang mga binipesyaryo ay mga kabataan na nagmula sa ELCAC barangays para sa tuloy tuloy na pagtulong ng Provincial Government sa mga ELCAC recepients ng probinsya.

Muli namang pinaalalahanan ni Provincial Administrator Efren PiƱol ang mga kabataan ng SPES na sundin ang mga panuntunan na itinakda ng SPES program at maging ehemplo bilang kabahagi ng malaking pamilya ng Provincial Government ng Cotabato.