
BUTUAN CITY – Inihayag ni Surigao del Sur administrator Pedro Trinidad sa mga miyembro ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict o RTF-ELCAC, kasama ang Regional Development Council o RDC at Regional Peace and Order Council (RPOC) ang mga impormasyon kaugnay sa dalawang non-DepEd schools na nag-operate sa probinsiya.
Tinukoy ng opisyal ang nasabing mga paaralan na Tribal Filipino Program for Surigao del Sur o TRIFPSS, Inc. sa Elementary level at Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development o ALCADEV, Inc. sa secondary level.
Inihayag pa nito ang iilang pangyayari na na-record sa loob ng bisinidad sa nasabing mga paaralan pati na ang mga hide-outs sa kumunistang New People’s Army o NPA at training sites na nakobkob sa nasabing mga lugar.
Kaugnay nito, iminungkahi ni Agusan del Norte governor Dale Corvera ang pagtatag ng Technical Working Group na mag-discuss sa isyu at kasalukuyang sitwasyon at plano.