-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nahaharap ngayon sa ibang kontrobersiya ang Philippine Military Academy (PMA) matapos umanong nagnakaw ang isang kadete ng limang piraso ng ubas mula sa mga higher class.

Base sa batas ng akademya nilabag ni Cdt. 3rd Class Desemore Guillermo ang Honor Code ng akademya kung saan agad itong mapapaalis sa akademya bilang parusa sa kanyang paglabag.

Ngunit napag-alaman umano na pinalitan ni PMA Superintendent Vice Admiral Allan Ferdinand Cusi ang desisyon sa pagpataw ng parusa sa kadete kung saan nahatulan lamang ito ng 51 na demerits, 180hours na punishment tours at 180 na confinement days sa loob ng barracks.

Dahil dito, mariing kinondena ng mga PMA Alumni at opisyal ang hakbang ni Cusi dahil nakapagpababa raw ito ng moral ng mga kadete.

Ayon naman kay PMA spokesperson Maj. Cherryl Tindog, nanatiling sagrado ang honor coder ng akademya mula noong nabago ang sistema noon 2007.

Maalalang boluntaryong umalis si Gulliermo matapos hinatulang guilty.