-- Advertisements --
Susuriin ng Department of Health (DOH) ang pahayag ng regional health authorities ng Central Visayas na patuloy silang nakikipaglaban sa third wave ng COVID-19 infections.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakapagtala ang Region 7 ng two-week case growth rate na -7% at average daily attack rate na 4.5 cases kada 100,000 population.
Gayunman, ipinaliwanag ni Vergeire na ang mga regional na tanggapan ng DOH ay mayroong sariling granular analysis ng data ng COVID-19.
Nauna nang iniulat ng DOH Region 7 ang pangatlong alon ng mga impeksyon sa buong Central Visayas.
Tiniyak din ni Vergeire sa publiko na tatalakayin ng DOH ang bagay sa mga opisyal ng kalusugan sa Central Visayas.