-- Advertisements --

Magbibigay ng 86% na effectiveness sa mga taong may edad 60 pataas ang pagpapaturok ng Pfizer/BioNTech COVID-19 vaccine.

Ayon sa Israeli healthcare provider na HMO Maccabi na mayroon ng 149,144 katao na may edad 60 pataas na nakatanggap ng third dose.

Lumabas na mayroon lamang 37 sa mga dito ang dinapuan ng COVID-19 kumpara sa 1,064 na nagpositibo na mayroong dalawang doses lamang.

Hindi naman nagbigay ng detalye sa naging kalagayan ng nasabing mga 37 na nagpositibo sa COVID-19.

Nagsimula na noong nakaraang buwan ang Israel sa pagbibigay ng ikatlong dose matapos ang pagkalat ng nakakahawang Delta variant ng COVID-19.

Nauna ng inamin ng Pfizer na ang vaccine efficacy ng kanilang bakuna ay bumababa sa pagdaan ng panahon kaya ang ikatlong dose ay nagpapakita ng mas sa pag-neutarlize ng mga antibodies laban sa COVID-19.