-- Advertisements --
Patuloy na hinihintay ang napaulat na umano’y ikatlong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Una itong ipinahiwatig ni House Secretary General Reginald Velasco noong nakalipas na linggo matapos ang dalawang magkasunod na complaint na inihain laban kay VP Sara.
Gayonpaman, hanggang sa ngayon ay wala pa ring naihahain na ikatlong impeachment complaint laban kay VP Sara.
Batay sa impormasyong unang ipinahiwatig ng House official, posibleng ihain ng ilang religious organization ang ikatlong complaint.
Ngunit sa kasalukuyan ay hindi pa malinaw kung anong grupo ang maghahain nito, at kung sinong kongresista ang mag-sponsor sa naturang reklamo.