-- Advertisements --

Kinumpirma ni Health Sec. Francisco Duque III ang ikatlong kaso ng polio sa Pilipinas.

Naitala ito sa Datu Piang, Maguindanao, kung saan ang biktima ay hindi nakatanggap ng anumang uri ng oral polio vaccine (OPV).

Ang apat na taong gulang na batang babaeng nagpositibo sa polio ay malayo sa sentro ng lalawigan kaya walang gaanong access sa bakuna at gabay ng mga doktor.

Nadala umano ang biktima sa Cotabato Regional Medical Center noong Setyembre dahil sa hinalang ito ay kaso ng acute flaccid paralysis.

Pero nang suriin ang sample ng dumi nito sa National Institute of Infectious Diseases-Japan, natuklasang positibo ang bata sa poliovirus 2.