-- Advertisements --

Hinikayat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang publiko na makibahagi sa third quarter nationwide simultaneous earthquake drill.

Ayon sa PHIVOLCS na isasagawa ito sa darating na Setyembre 26 ng alas-9 ng umaga.

Ang NSED ay bahagi ng preparasyon sakaling dumating ang “The Big One” na paggalaw ng West Valley Fault.

Sa nasabing drill ay dapat ay gawin ang utos ng mga otoridad na mag -Duck, Cover at Hold.