CENTRAL MINDANAO-Bago paman matapos ang taon, patuloy ang pagbibigay ng programa ng pamahalaang panlalawigan sa mga Cotabateño. Ang Integrated Provincial Health Office (IPHO) katuwang ang Rural Health Unit (RHU) ng bayan ng Carmen Cotabato ay nagsagawa ng 3rd round Cotabato Vaccination Drive.
Abot sa 1,273 na mga residente nito ang nabigyan ng libreng bakuna ng COVID-19 para sa kanilang 1st, 2nd, 1st booster at 2nd booster dose. Ang mga nasabing benepisyaryo naman nito ay nakatanggap din ng P200 na insentibo sa pamamagitan ng mga kawani ng Provincial Treasurer’s Office (PTO).
Ito ay ayon sa direktiba ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza na palakasin ang programang pangkalusugan para sa Cotabateño.
Kahapon, December 28, 2022 ang huling araw ng 3rd round Cotabato Vaccination Drive sa bayan ng Kabacan Cotabato para sa taong 2022.