-- Advertisements --

Naaresto ng mga operatiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang isa pang suspek sa tangkang pagpapasabog sa Roxas Boulevard malapit sa U.S. Embassy.

Ito ang kinumpirma ni NCRPO director C/Supt. Oscar Albayalde.

Sinabi ni Albayalde na sa labas ng Metro Manila naaresto ang isa sa limang suspek.

Ayon sa heneral, hindi pa nakakauwi sa Marawi ang mga nasabing suspek na siyang nagdala ng improvised explosive device (IED) sa Metro Manila.

Una nang naaresto ng PNP ang dalawang suspek na nakilalang sina Ryson Kilala at Jiaher Guinar.

Tumangging kilalanin ni Albayalde ang panibagong suspek dahil ipi-prisinta pa ito ni PNP chief Director General Ronald dela Rosa bukas sa Kampo Crame.

Sa ngayon, dalawa pa ang at-large at patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad.

Sinasabing ang mga suspek ay may kaugnayan din sa lcoal terror group na Maute na nag-o-operate sa Lanao del Sur.