-- Advertisements --

Nagtatayo ang Brazil ng statue of Christ na mas mataas pa sa sikat na Redeemer statue sa Rio de Janeiro.

Ang Christ the Protector na matatagpuan sa Encantado City ay mayroont taas na 43 meters.

Sinimulan itong gawin noong 2019 at natapos ang ulo at kamay nito noong nakaraang linggo.

Nagmula ang nasabing idea sa local politician na si Adroaldo Conzatti na nasawi noong Marso dahil sa COVID-19.

Nagkakahalaga ang nasabing proyekto sa halagang $350,000 na ito ay inaasahang matatapos sa katapusan ng taon.

Galing sa mga donasyon ng mga kumpanya at indibiwal ang nasabing pondo ng pagpapagawa ng nasabing rebolto.

Itinuturing na ito ang pinakamalaking estatwa ni Hesus Kristo sa buong mundo.

Ang pinakamataas ay ang Jesus Buntu Burake statue sa Sulawesi, Indonesia na mayroong taas na 53.55 meters at ang Christ the King sa Swiebodzin, Poland na mayroong 52.5 meter ang taas.