Hinihingan na ng paliwanag ng mga senador ang Department of Information and Communications Technology (DICT) kung bakit hindi pa rin maramdaman ang third telco sa ating bansa, sa kabila ng pagkakaroon na ng batas hinggil dito.
Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, obligasyon ng DICT na maglabas ng update dahil public interest ang nakasalalay dito.
Pero ayon kay DICT Usec. Eliseo Rio, tuloy-tuloy naman ang mga development para sa proseso.
Katunayan, naibigay na sa telco ang frequency at iba pang kinakailangan para sa operasyon nito.
Inaasahang makokompleto ang pag-setup para ma-cover ang buong bansa sa darating na Hulyo 8, 2020.
Babala ni Rio, kung hindi makakatupad sa ibinigay na deadline ang third telco, forfeited na ang bilyong halaga ng performance bond na inilagak nito.