Inanunsyo ng Udenna Corp. na tuloy ang Mislatel consortium sa pagpasok sa telecom industry sa Pilipinas.
Ito’y makaraang lagdaan na ang $5.4 billion deal, kasama ang China Telecommunications.
Matatandaang ang Udenna, pati ang Chelsea Logistics Holding Corporation na pag-aari rin ng negosyanteng si Dennis Uy ay sinelyuhan na ang investment interest para mabuo ang third telecommunication service provider sa ating bansa.
Nangangahulugan na Udenna, Chelsea at China Telecom ang bubuo sa Mislatel consortium, para ipangtapat sa dalawang higanteng network ngayon na Smart at Globe.
Matatandaang Mislatel ang nanalong bidder sa selection process ng National Telecommunication Commissions (NTC) at Department of Information and Communications Techonology (DICT) noong nakaraang taon.