-- Advertisements --

ROXAS CITY – Nanatiling maingat ang mga residente ng Macau China matapos na matagal na silang walang naitalang kaso ng covid-19 diseas pandemic.

Sa ulat ni Bombo International Correspondent John Reyl Rosales, nagtatrabaho sa Macau China, sinabi nitong nanatiling mahigpit ang ipinapatupad na restrictions ng gobyerno kahit pa unti-unti nang humuhupa ang sitwasyon.

Mahigpit din ang pagbabantay sa borders ng Macau kung saan hindi pinapayagan na pumasok sa mainland china ang mga non-resident ng nasabing bansa.

Unt-unti na ring bumabalik sa normal ang operasyon nga ilang mga non-essential establishments subalit mahigpit na ipinatutupad ang mga health protocols at pagsusuot ng facemask.

Samantala dobleng pag-iingat pa rin ang ginagawa ng mga residente sa posibleng 3rd wave ng covid-19 disease.

Nabatid kay Rosales mas marami ang nagkasakit ng covid-19 disease sa 2nd wave sa Macau, China.