-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Namigay ng relief goods sa pangatlong pagkakataon ang bayan ng Banisilan sa North Cotabato.

Ayon kay Banisilan Mayor Jesus Alisasis na limang barangay ang kanilang binigyan ng ayuda sa mga pamilyang grabeng naapektuhan ng krisis sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Lahat ng pamilya mayaman man o mahirap ay binigyan ng bigas, delata, noodles at iba pa ng LGU-Banisilan.

May ilang pamilya ang tumanggi na tumanggap ng relief goods at mas ninais nito na ibigay na lamang sa mga mahihirap.

Dagdag pa ng alkalde, mahigpit na pinaiiral ang mga alituntunin ng public health emergency sa bayan ng Banisilan para maging ligtas ang mga mamamayan sa COVID-19 at para matulungan ang mga apektadong sektor.

Bilang pagtalima sa mga guidelines ng General Community Quarantine, sinabi ni Mayor Alisasis na ipinatupad ng pamahalaang lokal ng Banisilan ang stay at home para limitahan ang galaw ng mga mamamayan, paggamit ng facemask, social distancing, disinfection, COVID-19 checkpoint, paghuhugas ng kamay at iba pa.

Ipinatupad din ang liquor ban at curfew hours mula 9pm hanggang 5am, habang 24 hours na curfew sa mga menor de edad at senior citizens.

Samantala, noong nakalipas na buwan namahagi ng SAP cash assistance ang DSWD sa pinakamahirap na pamilya sa bayan ng Banisilan, habang may ayuda naman ang mga senior citizen at 4Ps members.

Ang probinsya ng Cotabato ay nasa low risk area at ngayong Mayo 16 ay mag-uumpisa ang Modified General Community Quarantine.

Sa ngayon ay nanatiling COVID fee ang bayan ng Banisilan.