-- Advertisements --
Bahagya lamang kung tutuusin ang pagbaba ng ipinapadalang personal remittances ng mga overseas Filipinos sa gitna na rin ng COVID pandemic.
Sa huling datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) noong buwan ng Agosto nasa 4.2 percent ang pagbaba sa remittances kumpara noong nakalipas na taon.
Nangangahulugan daw ito nang katumbas na pagbaba ng US$2.756 mula sa US$2.875 billion noong August 2019.
Ayon pa sa BSP, kung pagsasama-samahin sa loob daw ng walong buwan ng kasalukuyang taon ito raw ay slight decrease sa 2.6 percent mula sa US$21.995 billion na bulto ng pera na pumasok sa bansa.
Napansin naman ng BSP ang pagtaas pa rin nang naipadalang mga dollar remittances patungo ng Pilipinas mula sa Amerika, Singapore at Malaysia.