-- Advertisements --

Tinatayang nasa 4.3 million mga residente ang maaapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Ompong mula sa apat na rehiyon sa loob ng 125-kms radius.

Ito ay ang mga probinsiya ng Cagayan at Isabela sa Region 2; Ilocos Norte at Ilocos Sur sa Region 1; at Abra, Kalinga, Mountain Province at Ifugao sa Cordillera.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director USec. Ricardo Jalad, sa nasabing bilang na maaapektuhang mga sibilyan, nasa 824,000 dito ay mga mahihirap kung saan 47,800 na mga bahay ang gawa sa light materials ang nakatakdang ilikas sa nasa 1,742 evacuation centers.

Sinabi ni Jalad kanila rin kinokonsidera na gamitin bilang evacuation centers ang nasa 3,079 na mga eskwelahan.

“With the tendency of the typhoon which we observed, wherein the track is going down, more exposed individuals, there will be more exposed individuals,” pahayag ni Jalad.

Tiniyak naman ni Jalad na nakalatag na ang kanilang evacuation plan sa pakikipag tulungan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

May mga teams na rin mula sa Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard ang naka-standby at nakahanda sakaling sila ay ipakalat para tumulong sa search and retrieval operations.

Ang Department of Health (DOH) naman ay may 28 Health Emergency Teams ang handa na rin para sa deployment.

Siniguro ng kagawaran na may sapat silang gamot na ipamamahagi sa mga indibidwal ba magkakasakit sa mga evacuation centers.

Inaasahan din ng NDRRMC na magiging isolated ang Batanes dahil ito ang direktang tatamaan ng sama ng panahon, kaya naman magde-deploy umano rito ng Quick Response team ang NDRRMC para umayuda sa mga apektadong residente.

Naka-preposition na rin ang mga food and non-food items ng DSWD para ipamamahagi sa mga biktima ng bagyo.