-- Advertisements --
PHIVOLCS 1
PHIVOLCS

LAOAG CITY – Naalimpungatan ang ilang mga residente sa Ilocos Norte kasunod ng pagyanig ng 4.4 magnitude na lindol.

Naramdaman din ang intensity III sa siyudad ng Laoag at sa bayan ng Pasuquin.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) naitala ang 4.4 magnitude na lindol sa Sarrat, Ilocos Norte .

Dahil dito naramdaman ang bahagyang Intensity III sa Laoag at sa bayan ng Pasuquin.

Nabatid na maraming residente ang nabulabog dahil sa takot kasunod ng naturang pagyanig.

Sa ngayon ay walang namang naitalang danyos dahil sa naturang pagyanig.