-- Advertisements --
Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology ang Seismology (Phivolcs) ang pangamba ng publiko sa naitalang 4.3 magnitude na lindol sa MIMAROPA kaninang umaga.
Ayon sa Phivolcs, hindi nakapinsala ang nasabing pagyanig at wala na ring aasahang aftershocks mula rito.
Naramdaman ang lindol kaninang alas-9:57 ng umaga.
Ang epicenter naman nito ay natukoy sa layong 82 km sa timog kanluran ng Looc, Occidental Mindoro.
May lalim itong 29 kilometro at tectonic ang pinagmulan.