Agad na nilinaw ng Phivolcs na walang kinalaman ang naganap na lindol kaninang umaga sa bahagi ng Northern Samar sa nangyari namang serye ng paglindol sa lalawigan ng Batangas.
Sinabi ni Karl Vincent Soriano, science research analyst ng Phivolcs, ang naganap na paglindol dakong alas-8:43 ng umaga na naitala sa 5.4 magnitude ay tumama sa bahagi ng karagatan na may lalim na 27 kilometers.
Aniya, ito ay may kaugnayan umano sa paggalaw ng Philippine trench at hindi magdudulot ng anumang tsunami.
Naramdaman din ang lindol sa ilang bahagi ng Leyte hanggang sa ilang lugar ng Bicol region ang bahagyang pagyanig.
Bago ang main quake na 5.4 magnitude ay nairehistro muna ng Phivolcs ang tinatawag na foreshock na nasa 4.5 magnitude.
Samantala nagbabala naman ang Phivolcs na asahan na rin ang aftershocks na mangyayari.
Narito pa ang ilang data na ibinahagi ng Phivolcs:
Depth of focus (km): 27 kms
Origin: Tectonic
Magnitude: 5.4
Date/Time: 10 Apr 2017 – 08:43:52 AM
Location: 13.20°N, 125.63°E – 089 km N 27° E of Mapanas (Northern Samar)
Reported Intensities:
Intensity II- Catarman, Northern Samar; Cabid-an and Juban, Sorsogon
Intensity I- Tacloban City; Palo, Leyte
Instrumental Intensities:
Intensity I- Palo, Leyte; Legazpi City; Masbate City; Borongan, Eastern Samar; Sorsogon City