-- Advertisements --
Inaasahan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na walang pinsala o kaya aftershocks matapos na makapagtala sila kagabi ng 4.5-magnitude na lindol sa ilang bahagi ng southern Luzon.
Dakong alas-10:47 ng gabi ay nai-record ang bahagyang paglindol.
Natukoy ang epicenter ng earthquake sa layong 20 kilometers (km) northwest ng Calatagan, Batangas at may lalim na 89 kilometers.
Nairehistro rin sa mga instrumento ng Phivolcs ang Intensity II sa Puerto Galera, Oriental Mindoro, habang Intensity I sa Calapan City, Oriental Mindoro at Tagaytay City.
Ayon pa sa Phivolcs ang pagyanig ay tectonic in origin, na ibig sabihin ang movement ay nagmula sa active fault malapit sa lugar.