-- Advertisements --
Binulabog ng magnitude 4.6 na lindol ang lalawigan ng Tarlac nitong Sabado ng gabi.
Ayon sa Phivolcs, bandang alas-10:15 ng gabi nang maitala ang sentro ng pagyanig sa timog-kanlurang bahagi ng Camiling, Tarlac.
May lalim lamang ito na 11 kms at tectonic, o biglaang paggalaw ng mga faults at plate boundaries, ang pinagmulan.
Naramdaman ang Intensity 4 sa Villasis, Pangasinan, habang Intensity 2 sa Quezon City.
Habang naitala naman ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity II – Cabanatuan City
Intensity I – San Jose, Nueva Ecija
Tiniyak naman ng Phivolcs na maliban sa walang inaasahang pinsala ang lindol, wala rin daw aasahang aftershocks ang mga residente sa naturang mga lugar.