GENERAL SANTOS CITY – Kahit walang naitala na pinsala sa mga ari-arian ngunit nagdulot pa rin ng matinding takot at kaba ang naramdamang malakas na pagyanig sa GenSan at Sarangani Province.
Kasunod ito ng magnitude 4.8 na lindol na yumanig sa Davao Occidental alas-9:49 Linggo ng gabi.
Ayon sa Phivolcs, ang epicenter ng lindol ay sa layong 11 kilometro timog-silangan ng bayan ng Jose Abad Santos.
May lalim ang sentro nang pagyanig sa 33 kilometro at tectonic ang dahilan.
Naitala ang Intensity IV sa Glan, Alabel at Malapatan, Sarangani province.
Intensity III naman sa Kiamba at Malungon, Sarangani.
Mula naman sa inilabas na intensity IV ibinaba sa intensity III ang yumanig sa General Santos City at Tupi, South Cotabato.
Habang intensity II sa Sta. Cruz, Davao Del Sur, Davao City at Koronadal City.