-- Advertisements --
IMAGE © Your Heathrow

Kinansela ng Garuda Indonesia ang multi-billion dollar order nito ng 49 na Boeing 737 Max 8 jets matapos ang nangyaring magkahiwalay na plane crash sa Ethiopian Airlines at Lion Air.

Sa pahayag ni Garuda spokesman Ikhsan Rosan, nawalan na umano ng tiwala ang mga pasahero ng Garuda sa Boeing 737 Max aircraft models kung kaya’t umurong na sila sa pagbili nito.

Patuloy naman ang pagsasa-ayos ng Boeing sa mga eroplanong kinansela sa iba’t ibang airline sa buong mundo.

Ginawa ring compulsary umano ng mga manufacturers ang pag-iinstall ng bagong features ng eroplano.

Desisyon naman ng mga airlines kung magbabayad ang mga ito para i-upgrade ang kanilang standard planes.

Sa ngayon, natanggap na ng Garuda ang isang modelo nito ng 737 MAX 8 na nagkakahalaga ng $4.9 billion.

Dagdag pa nito, patuloy pa rin ang pakikipag negosasyon ng Garuda sa Boeing kung ibabalik nito o hindi ang eroplanong natanggap.

Nagbigay na ng $26m ang Garuda bilang paunang bayad sa mga eroplano.

Ngunit kinokonsidera pa rin daw ng Garuda na ipalit na lang ito sa bagong bersyon ng single-aisle jet.