CEBU – Hinihintay na lang ngayon ng National Bureau of Investigation 7 ang arrest warrant laban sa isang ina matapos na ibinenta ang kanyang apat na taong gulang na anak na babae sa mga dayuhan nitong kliyente.
Inakusahan ang nasabing ina ng pag pangabuso at pagkuha ng video kung saan naka-hubo’t hubad ang kanyang anak.
Base sa report ng NBI 7, ang nasabing ina ay diumano’y ipinasok ang daliri sa pribadong parte ng kanyang anak at ito’y pinaglalaruan habang kinukunan ng video ang kanyang ginagawa, saka naman nito ibebenta sa kanyang mga dayuhang kliyente.
Ang nasabing menor de edad ay na-rescue noong Nobyembre 30 at nasa kustodiya na ngayon ng Department of Social Welfare and Development Central Visayas.
Kaugnay nito, inihayag ni Cebu City Police Office Director, Police Colonel Ireneo Dalogdog, na base sa kautosan ni Cebu City Mayor Michael Rama ay muling itinatag ang Cebu City Anti-Indecency Board upang protektahan ang mga residente nitong lungsod laban sa mga imoralidad.
Nilinaw ni Police Colonel Dalogdog na base sa kanilang monitoring wala namang laganap na child pornography sa Cebu City ngunit hindi nila ito isasantabi at walang kumpyansa sa mga ganitong gawain.
Katuwang rin ngayon ng Cebu City Police Office ang Department of Education at ang Sangguniang Kabataan o SK, ganun din sa mga mamamayan upang maprotektahan ang kabataan laban sa child pornography.