DIPOLOG CITY – Nasa kustodiya na ngayon ng Dumalino PNP ang suspek na nanaga-patay sa apat na taong gulang na batang lalaki sa Brgy. Tickwas, Dumalinao, Zamboanga del Sur.
Kinilala ang suspek na si Primo Yabo, alyas Ikot, 28, sinasabing mayroon umanong problema sa pag-iisip.
Bago nito, nabatid na tinaga ng suspek ang biktimang si Jerome Batingal Jr na tinamaan sa kanyang leeg na naging sanhi ng agaran nitong pagkamatay.
Sa impormasyong pinaabot ng Dumalinao PNP sa Star FM Dipolog, kasama umano ng bata ang kanyang ama sa loob ng kanilang bahay at naghahanda ng kanilang pananghalian ng biglang pumasok si Yabo at tinaga ang biktima.
Agad namang naaresto ang suspek ng mga rumesponding pulis at nakuha ang nasa 18 pulgadang haba ng itak na ginamit nito sa pananaga.