-- Advertisements --

LAOAG CITY – Arestado ang apat na indibidual dahil sa sabong sa isinagawang operasyon ng mga kawani ng PNP-CIDG sa Brgy. 35 Gabu Sur, Laoag City.

Ang mga suspek ay mga lalaking may edad 32-anyos, 47-anyos at kapwa residente ng nasabing barangay; 46-anyos at 24-anyos at kapwa residente ng Brgy. Cavit.

Samanla, isang suspek ang nakatakas mula sa operasyon at ito ay 43-anyos, residente ng Brgy. Cavit sa nasabing lungsod.

Ayon kay Police Major Romnick Subia, hepe ng PNP-CIDG, matagal na silag naktatangap ng impormasyon hinggil sa umano’y iligal na aktibidad ng mga suspek.

Nakumpiska sa operasyon ang mga ebidensya gaya ng tadi, 3,320 pisong pusta kasama ang dalawang manok kung saan ang isa dito ay may sugat.

Nanatili sa kustodiya ng PNP-CIDG ang apat na suspek habang patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad ang nakatakas.

Inaasahang maipipila ang reklamong may kinalaman sa iligal na sabong o iligal na sugal kontra sa mga suspek.