Boluntaryong sumuko ang apat na miyembro ng bandidong Abu Sayyaf group (ASG) sa 6th Special Forces Battalion ng Philippine Army sa probinsiya ng Sulu.
Ayon kay 6th Special Forces Battalion commanding officer, Lt. Col. Rafael Caido, kabilang sa sumuko si Radzmel Said alias Amil, kilalang tauhan ni ASG leader Hatib Hajan Sawadjaan, kung saan bitbit pa ang kaniyang M1 garand rifle at ammunitions.
Si alias Amil ay kabilang sa wanted list ng government forces sa Sulu at pamangkin ni Hatib Majid Said alias Amah Patit at mayroon siyang dalawang kapatid na active member ng Abu Sayyaf.
Sinabi ni Caido na si Capt. Froilan Pinay-an ng 20th SF Company ang nagkumbinsi kay Amil na sumuko sa pamahalaan kahapon, dahil sa magandang trato ng militar sa mga bandidong nagbalik loob sa gobyerno.
Pinangunahan naman ni 13th SF Company 1Lt Filmar Luzon ang pag-facilitate sa pagsuko ni Serhamal Bahjin Alli, apo ni ASG senior leader Radulan Sahiron.
Kasamang isinuko ni Alli ang M60 machine gun ng kaniyang lolo at ang kaniyang M16 rifle with ammunitions.
Iprinisinta naman kay 1102nd Infantry Brigade commander B/Gen. Ignatius Patrimonio ang dalawa pang sumukong ASG members na nakilalang sina Muknan Hadjirudin at Sali Kadil Ammad, kaowa mga followers ni ASG-subleader Alhabsy Misaya. Isinuko rin ng dalawa ang kanilang M1 garand rifles.
Ayon kay Patrimonio dahil sa pinalakas na intelligence operations ng mga batalyon sa pakikipagtulungan sa Municipal Task Force in Ending Local Armed Conflict (MTF-ELAC) malaki ang naitulong nito sa landscape ng Patikul sa Sulu.
“The Balik Barangay Program and People’s Peace Covenant have assured the people that we, the government troops, are partners in bringing back peace in the municipality,” wika pa ni B/Gen. Patrimonio.
Mensahe naman ni Joint Task Force Sulu at 11th Infantry commander M/Gen. William Gonzales sa mga tropa na panatilihin ang momentum sa kanilang operasyon para mapanatili ang peace and order sa kani-kanilang mga areas of responsibilities.
“Earlier today I was at the headquarters of Marine Brigade Landing Team – 1 to personally commend the troops of 4MBde for the neutralization of two ASG Subleaders. To the troops of 6SFBn, I also congratulate you for the series of accomplishments you have done for the overall thrust of JTF – Sulu. We are gaining momentum in this fight for peace. We need and we are going to accelerate our efforts in service of the Tausugs,” pahayag pa ni M/Gen. Gonzales.