-- Advertisements --

asgsulu1

Boluntaryong sumuko sa militar sa probinsiya ng Sulu ang apat na miyembro ng teroristang Abu Sayyaf.

Ayon kay Joint Task Force Sulu at 11th ID commander M/Gen. William Gonzales, sumuko ang mga dating bandido sa mga tropa ng 1101st Infantry Brigade Headquarters sa may Bud Bayug, Barangay Samak, Talipao, Sulu.

Kinilala ni 1101st Brigade commander B/Gen. Antonio Bautista ang mga sumukong bandido na sina: Aharam Dajam follower ni sub-leader Hairula Asbang,
Asbi Abraham follower ni Hatib Hajan Sawadjaan,
Saibi Sawabi follower ni ASG sub-leader Apo Mike, at
Alkaab Baki, apo ni ASG sub-leader Sibih Pisih.

Sinabi ni Bautista ang pagsuko ng apat na bandido ay dahil sa masigasig na efforts ni 2nd Special Forces Battalion, 100th Infantry Battalion, at 11th Military Intelligence Battalion.

Isinuko din ng mga bandidong Abu Sayyaf ang kanilang armas kabilang ang dalawang garand rifles, isang M16 rifle, at isang .357 revolver.

Personal na tinanggap ni Gen. Gonzales ang mga sumukong bandido.

asgsulu2

Siniguro naman ni 2nd Special Forces Battalion commander Lt Col Jooney Jay Busiños, na magpapatuloy ang kanilang pagtulong sa mga sumukong bandido.

Si Baki ay napilitang umanib sa teoristang Abu Sayyaf dahil sa rido.

“We’re working on settling this long-standing conflict so that they could return to their land. If all goes as planned, both parties will be able to live without having to worry for their safety. Katulong namin ang LGU rito”, pahayag pa ni Busiños.