-- Advertisements --

Apat na pinaniniwalaang miyembro ng teroristang Abu Sayyaf ang patay habang pitong armas ang narekober ng militar matapos sumiklab ang panibagong enkwentro kaninang alas-4:30 ng umaga sa probinsiya ng Sulu.

Ayon kay Joint Task Force Sulu Commander Col. Cirilito Sobejana na nakasagupa ng mga operating units ng 64th Marine Company mula sa Marine Special Operations Group ang isang grupo ng bandidong Abu Sayyaf habang nagsasagawa ng focused military operations sa may Barangay Lumipad, Talipao malapit sa boundary ng bayan ng Maimbung.

Idineploy ni Sobejana ang mga sundalong Marines matapos makatanggap ng impormasyon ng kaugnay sa presensiya ng teroristang grupo.

Umigting ang malakas na palitan ng putukan sa magkabilang panig na ikinasawi ng apat na bandido (body count).

Bukod sa narekober na apat na bangkay nakuha din ng mga sundalong Marines sa lugar ang pitong matataas na kalibre ng armas na kinabibilangan ng M16 rifles at M203 grenade launcher.

Hanggang sa ngayon may naitatala pang labanan dahil walang humpay ang operasyon ng militar laban sa teroristang grupo.