-- Advertisements --
chicago bulls donovan

Hindi pa man daw nag-iinit sa kanyang upuan, nagpatupad na ng malawakang pagbabago sa coaching staff si Chicago Bulls coach Billy Donovan.

Ito ay makaraang tanggalin niya ang mga assistant coaches na sina Karen Stack Umlauf, Dean Cooper, Nate Loenser at Roy Rogers.

Si Umlauf ay unang female assistant ng Chicago nang magsilbi rin itong associate coach sa 2018 summer league.

Ang hakbang ni Donovan ay makaraan na ang chairman ng prangkisa na si Jerry Reinsdorf at iba pang team, tulad ng Chicago White Sox, ay pinaghati ng manager na si Rick Renteria at longtime pitching coach Don Cooper.

Si Donovan na dating coach Thunder ay noon lamang isang buwan kinuha ng team upang palitan ang sinibak naman ng Bulls na si Jim Boylen.