-- Advertisements --

Patuloy ang ginagawang retrieval operations ng mga otoridad sa Iraq matapos ang nangyaring landslide na tumama sa isang Shite Muslim shrine sa Karbala province.

Sinabi ni civil defense spokesman Nawas Sabah Shaker, na mayroong hanggang walong katao ang natabunan habang nasa loob ng Qattarat al-Imam Ali shrine.

Una ng nakapagligtas na sila ng tatlong bata mula sa natabunang simbahan.

Tiniyak naman ni Iraqi President Barham Saleh na gagawin lahat ng kanilang mga rescuers ang makakaya para mailigtas ang mga natabunang biktima.

Sinasabing dahil na rin sa init ng panahon kaya bumigay ang mga bato na nakapaligid sa shrine.