KORONADAL CITY- Nasa apat na mga bata ang binawian ng buhay matapos na tamaan ng influenza outbreak at pneumonia ang siyam na mga Sitio sa Barangay Ned, Lake Sebu, South Cotabato.
Ito ang kinumpirma ni South Cotabato Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido Jr sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Aturdido, sa ngayon nasa 172 na ang naitalang kaso batay sa kanilang surveillance at case investigation.
Isinalaysay pa ni Aturdido na nakaranas ng matinding ubo, sipon at lagnat ang mga biktima na karamihan at mga bata.
Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ay nagsagawa ng site visitation ang Integrated Provincial Health Office (IPHO) upang makita ang sitwasyon ng mga residente at nagsagawa rin ng information education campaign.
Sa ngayon, hinihintay pa ang resulta ng mga samples na ipinadala sa Manila upang matukoy kung ano ang sanhi ng biglang pagdami ng kaso ng
Sa katunayan, isinailalim sa rapid testing ang mga biktima at nag-negatibo naman sa covid-19 vaccine ang ang mga ito.
Kaugnay nito, inirerekomenda ngopisyal ang paglalagay ng satellite barangay health center sa Sitio Blit at isang midwife upang mapalakas ang vaccination sa mga bata laban sa mga vaccine-preventable diseases lalo na’t mababa ang bilang mga batang nababakunahan dahil sa layo ng mga sitios sa Barangay Health Center.
Samantala, magpapatuloy naman ang monitoring ng IPHO-South Cotabato sa mga apektadong residente.