CENTRAL MINDANAO – Limang lugar sa probinsya ng Cotabato ang tinukoy ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA- 12) na talamak ang bentahan ng pinagbabawal na droga.
Ito ang kinumpirma ni PDEA-12 Regional Director Naravy Daquiatan sa isagawang Provincial Anti-Drug Advisory Council (PADAC) Meeting sa Rooftop Capitol, Barangay Amas Kidapawan City.
Ang limang lugar ay kinabibilangan ng Midsayap, Pikit, Pigcawayan,Kabacan at lungsod ng Kidapawan.
Nilinaw ni Daquiatan na hindi residente sa apat na bayan at isang siyudad ang gumagawa ng iligal na transaksyon sa pinagbabawal na droga.
Ngunit may mga residente rin ang sangkot sa bentahan ng droga lalo na sa bayan ng Midsayap at Pikit.
Karamihan naman sa mga drug pusher o peddlers sa dalawang bayan ay yaong mga transcient lamang o hindi nanatili ng matagal sa naturang lugar.
Mula sa buwan ng Enero hanggang Hunyo ay umaabot sa 478 ang kanilang isinagawang anti-illegal drug operations kung saan 536 dito ang naaresto sa buong rehiyon-12.
Dagdag ni Daqiatan na abot naman sa 78 na mga high value target ang nahuli ng PDEA-12 mula una hanggang ikalawang quarter ng taon.
Nabatid na ang rehiyon-12 ay isang drug consuming region.
Sa ngayon ay pinaigting pa ng PDEA-12 ang kanilang operasyon sa war on drugs na nagresulta sa mababang demand at suplay ng droga sa kanilang AOR.