CENTRAL MINDANAO – Tinukoy ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-12) ang apat na bayan sa probinsya ng Cotabato na mayroong pinaghihinalaang mga marijuana plantation sites.
Ito ang kinumpirma ni PDEA-12 Regional Director Naravy Daquiatan, ang mga bayan na ito ay kinabibilangan ng Pikit, Aleosan, Carmen at Arakan, North Cotabato.
Sinabi ng opisyal na ang mga pinatuyong sako-sakong dahon ng marijuana ay inaangkat sa iba’t ibang mga lugar sa loob at labas ng probinsya gamit ang pampubliko at pribadong mga sasakyan maging ang mga motorsiklo.
Sa ngayon ay nasa P25 hanggang P150 ang bentahan ng isang gramo ng tuyong dahon ng marijuana sa Rehiyon 12.
Marami na umano ngayon ang gumagamit ng marijuana dahil sa mataas na presyo ng shabu.
Maliban sa North Cotabato ay may mga plastasyon rin ng marijuana sa mga bulubunduking lugar ng Malungon, Saranggani; Tampakan South, Cotabato at Columbio sa Sultan Kudarat.