CENTRAL MINDANAO – Sinalakay ng mga terorista ang kampo ng militar sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang mga nasugatan sa BIFF na sina alyas Samad, Sindatu, Onting at Kusay.
Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division chief at Joint Task Force Central Commander Maj. Gen. Juvymax Uy na sinalakay ng grupo ni Omar Abdullah alyas Kumander OV-10 ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang detachment ng 34th Infantry Battalion Philippine Army sa Sitio Macabenban, Barangay Indatuan, Northern Kabuntalan, Maguindanao at hangganan ng Midsayap, North Cotabato.
Agad gumanti ng putok ang mga kawal ng gobyerno sa mga rebeldeng BIFF.
Nagdulot naman ito ng takot sa mga sibilyan ang kalahating oras na palitan ng bala sa magkabilang panig.
Umatras ang grupo ni Kumander OV-10 nang sila ay paputukan ng mga sundalo gamit ang 81 mm mortar.
Sinasabing apat na mga rebelde ang nasugatan at isa sa tropa ng 34th IB na pinamumunuan ni Lt. Col. Gleen Caballero.
Narekober ng mga sundalo ang isang caliber .50 barret sniper rifle, isang kalibre .45 na pistola, tatlong rifle grenade, isang handheld radio, isang improvised explosive device (IED) at isang motorized banca engine na iniwan ng mga rebelde.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang combat clearing operation ng militar laban sa BIFF sa Maguindanao.