CENTRAL MINDANAO-Apat na dating mga terorista ang sumuko sa militar sa probinsya ng Cotabato.
Ang mga rebelde ay mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
Sumuko ang apat na BIFF sa tropa ng 92nd Infantry ( Tanglaw-Diwa) Battalion Philippine Army sa Barangay Salunayan Midsayap Cotabato.
Dala ng mga rebelde sa kanilang pagsuko ang apat na mga matataas na uri ng armas,mga bala at mga magasin.
Kasabay ng pagsuko na mga rebelde ay ginanap rin ang change of command kung saan umupo bilang bagong Commanding Officer ng 92nd IB si Lieutenant Colonel Rommel Agpaoa at pinalitan nito si Lieutenant Colonel Nathaniel Balintong.
Sumaksi sa change of command at pagsuko ng apat na mga dating terorista si 2nd Infantry (Jungle Fighter) Division Commander Major General Roberto Capulong.
Nakatanggap naman ng tulong ang apat na mga rebelde mula sa LGU-Midsayap sa pamumuno ni Mayor Rolly Sacdalan.
Hinikayat ni MGen Capulong ang ibang mga rebelde na sumuko na at mamuhay ng mapayapa.