-- Advertisements --
Binitay sa Saudi Arabia ang apat na katao na hinatulan ng parusang kamatayan dahil sa pagtutulak ng iligal na droga.
Binubuo ito ng dalawang lalaking Pakistani, isang Yemeni at babaeng Nigerian.
Ayon sa interior ministry ng Saudi Arabia, isinagawa nila ang pagbitay sa Mecca.
Umabot na sa kabuuang 53 katao ang naibitay ng gobyerno ng Saudi Arabia ngayong 2019 lamang.
Maraming mga grupo naman ang nababahala sa pagpapatupad ng parusang bitay ng gobyerno ng Saudi dahil baka hindi nila nabibigyan ng sapat na paglilitis ang mga biktima.