-- Advertisements --

ROXAS CITY – Sinampahan na ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG-Capiz ng kasong paglabag sa RA 11469 o Bayanihan to Heal as One Act at RA 3019 o Anti-Graft Corruption Practices Act ang apat na barangay officials dahil sa anomaliya sa Social Amelioration Program (SAP) sa Barangay Linao, Panay, Capiz.

Ito ang kinumpirma ni CIDG-Capiz Chief Police Major Chris Artemius Devaras sa panayam ng Bombo Radyo.

Ayon kay Devaras, kabilang umano sa sinampahan ng naturang kaso ay sina Punong Tito Barnuevo, Barangay Kagawad Cleope Billanes, Barangay Secretary Marcelyn Bibal at Barangay Treasurer Teresa Arabia.

Ito’y dahil sa pagkaltas ng tig-P950 at P3, 210 sa mga benepisyaryo ng ayuda sa kanilang barangay.

Pinangakuan din umano ng mga ito ang mga benepisyaryo na makakatanggap ng susunod pang ayuda kapalit ng pagbigay ng mga ito ng naturang halaga sa kanilang natanggap na SAP aid.