Mahaharap sa kaso ang apat na bus driver matapos na magpositibo ang mga ito sa paggamit ng iligal na droga sa isinagawang random drug testing sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Sinabi ni PITX head ng corporate Affairs Jason Salvador na agad nilang kinumpiska ang mga lisenya ng nasabing mga drivers ng mga nakatalagang tauhan ng Land Transportation Office (LTO).
Isasailalim pa ang mga ito sa confirmatory drug test at kapag nagpositibo pa ay doon na papatawan ng mabigat na kaparusahan.
Aabot sa 92 na bus drivers ang isinailalim sa surprise drug test ng Regional Anti-Drunk and Drugged Enforcement Unit ng LTO.
Hindi rin nila pinatawad ang mga bus na minamaneho ng mga ito dahil isinailalim din ang mga ito sa emission test at inspections.
Nadiskubre ng LTO ang ilang paglabag gaya ng paggamit ng mga improvised na plate numbers may ilang hindi nakarehistro at may ilang depektibong accessories.
Paglilinaw ni Salvador,a kaya nila isinagawa ang nasabing drug testing ay para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.