-- Advertisements --
William Barr
Attorney General William Barr

Kinasuhan ng US ang apat na Chinese military hackers na nambiktima umano ng ilang milyong American citizens.

Sinabi ni Attorney General William Barr, pawang mga miyembro ng Chinese Liberation Army ang mga suspek na nasa likod ng 2017 breach of Equifax credit.

Nasa 147 million katao ang nakuhanan ng impormasyon kabilang ang Social Security numbers at driver’s license data.

Nananatili ang mga hackers sa Equifax system na pumasok sa mga computer networks at ninakaw ang mga sekreto ng kompaniya at ilang mga personal data.