-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Tinatayang aabot sa P200,000 ang danyos sa naganap na sunog kung saan apat na mga classrooms at isang school canteen ang na-abo partikular sa San Francisco Pilot Central Elementary School (SFPCES) sa bayan ng San Francisco, Agusan del Sur.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni FO2 Gregor Palamani ng BFP-San Francisco, tumawag sa kanila ang school principal na kaagad naman nilang nirespondihan.

Nalamang may nag-spark umano sa computer laboratory at kaagad nang sumiklab ang apoy sa buong lumang building.

Kasama sa na-abo ay ang Science Club room na puno ng mga microscopes at ang kanilang computer laboratory.